WBN Fighter of the Year trophy nakuha na ni Pacquiao
Hawak ni Manny Pacquiao ang 2019 Fighter of the Year award nito mula sa World Boxing News.
WBN PHOTO

WBN Fighter of the Year trophy nakuha na ni Pacquiao

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natanggap na ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang Fighter of the Year award nito na iginawad ng World Boxing News (WBN).

Ibinigay kay Pacquiao ang naturang parangal matapos ang matagumpay na kampanya nito noong nakaraang taon kung saan dalawang impresibong panalo ang kanyang naitala.

Nakuha ni Pacquiao ang unanimous decision win kay Adrien Broner noong Enero sa MGM Grand Garden Arena para mapanatili ang World Boxing Association (regular) welterweight crown.

Muling sumalang si Pacquiao noong Hulyo kung saan kinubra nito ang split decision win kontra kay Keith Thurman para maagaw ang WBA (super) welterweight belt sa parehong venue.

Ito ang ang naging matibay na batayan ng WBN para ibigay kay Pacquiao ang pinakamataas na parangal para sa taong 2019.

Nakapost sa official website ng WBN ang larawan kung saan hawak na ni Pacquiao ang tropeo ng 2019 Fighter of the Year.

Naantala ang pagdating nito sa Pilipinas dahil sa epekto ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ngunit inaasahang magbabalik-aksyon si Pacquiao sa susunod na taon kung saan nakahilera na ang mga boksingerong nais makasagupa ang Pinoy boxing le­gend kabilang na sina Errol Spence, Terence Crawford, Mikey Garcia at Danny Garcia.

Pinakamalakas ang tsansa ni Ultimate Fighting Championship superstar Conor McGregor matapos kumpirmahin ng Paradigm Sports Management na ikinakasa na ang laban nito kay Pacquiao.

Nauna nang napaulat na target itong ganapin sa Middle East.

Subalit nilinaw ni Pacquiao na papayag lamang ito kung magiging co-promoter ang kanyang Pac Sports and Entertainment agency.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with