NCAA may bagong tahanan na
Inihayag kahapon ng NCAA at GMA-7 ang partnership nito na magsisimula ngayong taon.

NCAA may bagong tahanan na

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pormal nang nakipagkasundo ang NCAA sa GMA-7 upang maging opisyal na broadcast partner nito sa loob ng lima at kalahating taon.

Inihayag kahapon ng NCAA at GMA-7 ang partnership nito na magsisimula ngayong taon.

Ang GMA-7 ang magiging tahanan ng liga hanggang sa 2026 kung saan ipapalabas ang major events na basketball, volleyball, swimming at athletics sa GMA News TV.

Sa mismong GMA-7 naman mapapanood ang mga importanteng laro gaya ng men’s basketball finals.

“We are excited that GMA Network is the new home of the NCAA,” ani GMA Chairman/Chief Executive Officer Felipe Gozon.

Nagpasalamat ang pamunuan ng NCAA sa magandang planong inilatag ng GMA-7 para sa mga darating na season ng liga.

“The NCAA, the Philippines’ first and longest-running collegiate athletic league is most happy and honored to enter into partnership with GMA Network Inc., the Philippines No.1 TV network,” ani Letran official Fr. Rector Clarence Victor Marquez, OP, na siyang NCAA Season 96 Policy Board President.

Sa pagpasok ng NCAA sa GMA-7, inaabangan na ang pakikipagsalpukan nito sa UAAP dahil posibleng magsabay ang playdates ng dalawang collegiate leagues.

Sa TV5 ipalalabas ang mga laro sa UAAP.

Ang NCAA ang magiging “crown jewel” ng GMA-7 kaya’t ibubuhos nito ang lahat upang mabigyan ng magandang exposure ang pinakamatandang liga sa bansa.

Maliban sa GMA-7 at GMA News TV, mapapanood din ang NCAA sa iba’t ibang online portals ng istasyon gayundin sa GMA Pinoy TV para naman sa mga a­udience na nasa iba’t ibang bansa.

NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with