PVL teams naghahanda na sa balik-ensayo
Alyssa Valdez

PVL teams naghahanda na sa balik-ensayo

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2020 - 12:00am

Ngayong professional league na

MANILA, Philippines — Naghahanda na ang mga teams sa Premier Volleyball League (PVL) sa pagbabalik training dahil inaasahang papayagan na ito ng Inter-Agency Task Force (IATF) matapos magpas­yang maging professional league na ang liga.

Base sa panuntunan ng IATF, tanging ang mga koponan lamang sa professional leagues ang pinahihintulutang makapagbalik sa ensayo sa ilalim ng mahigpit na pagpapatupad ng health protocols.

Katulad ito ng mga train­ing venues na ginamit ng mga teams sa PBA bago pa man ang restart ng Philippine  Cup sa Clark, Pampanga.

Ilang proseso pa ang pagdaraanan ng PVL bago tuluyang masimulan ang ensayo.

Kabilang na rito ang Joint Administrative Order na bubuuin ng Department of Health, Philippine Sports Commission at Games and Amusements Board na magsisilbing guidelines sa training resumption ng PVL.

Excited na ang PVL players na magbalik-ensayo kabilang na si Creamline Cool Smashers Alyssa Valdez.

“We, the players, are excited to resume practice and eventually playing soon. It’s been a while since we played volleyball,” ani Valdez.

Kaya naman inaasa­hang ikinakasa na ng mga pro teams sa PVL ang pagbabalik-ensayo ng mga ito matapos ang ilang buwang pagkakatengga dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

IATF PVL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with