^

Volleyball community nalungkot sa naunsiyaming Unity Cup

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nalungkot ang volleyball community dahil hindi na matutuloy pa ang Unity Cup na tatampukan sana ng matitikas na koponan sa Premier Volleyball League (PVL) at Philippine Superliga (PSL).

Mismong si PVL president Ricky Palou na ang nagpahayag na malabong matuloy ang inaabangang salpukan ng PVL at PSL teams dahil walang malinaw na napagkasunduan.

Mas lalong nagdilim ang naturang plano dahil nagdesisyon ang PVL na maging professional league na simula sa 2021 season habang mananatiling amateur league ang PSL.

Kaya naman ang i­naabangang paghaharap sana ng teams ng PVL na Creamline, PetroGazz, Perlas Spikers at Motolite laban sa top teams ng PSL na F2 Logistics, Petron, Foton at Cignal ay hindi na matutuloy pa.

Ibinahagi ni Palou na nais sana ng kanyang grupo na tanging ang Top 4 teams lamang sa PVL at PSL ang maglaro sa Unity Cup upang mas mabilis itong matapos.

Ngunit iminungkahi ng PSL na ipasok ang lahat ng koponan sa dalawang liga upang magkaroon ang lahat ng tsansang masilayan sa aksyon sa inaugural ng Unity Cup.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE PSL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with