NCAA pabor sa SGL para sa pro leagues

NCAA pabor sa SGL para sa pro leagues

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handa ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) na payagan ang mga student-athletes na maglaro sa professional leagues na may Special Guest License mula sa Games and Amusements Board (GAB).

Ayon kay NCAA Season 96 president Fr. Vic Calvo ng Colegio de San Juan de Letran, naisumite na sa Policy Board ang naturang rekomendasyon kung saan positibo ang pananaw ng liga sa panukala.

Bukas ang NCAA sa posibilidad na pahintulutan ang mga student-athletes na makapaglaro sa professional leagues na malaki ang maitutulong para mas lalong madevelop ang mga ito.

“We will honor the Special Guest License of course if the proposal will be finalized,” ani Calvo.

Inaasahang maglalabas ng anunsiyo ang liga sa oras na magkaroon na ng pinal na desisyon ang Policy Board para rito.

Kasalukuyang nasa 80 porsiyento na itong aprubado ng Policy Board ayon kay Calvo ngunit may ilang bagay pa na kailangang mabigyan ng linaw bago ito ipatupad.

Kung maipatutupad na ang bagong patakaran, ilang proseso ang kaila­ngang gawin ng student-athletes bago maglaro sa professional league.

Kailangan nitong ipa­alam sa school authorities ang kanyang interes na maglaro sa ilang pro league habang ang eskuwelahan naman ang mag-eendorso nito sa NCAA.

Bibigyan ng NCAA ng consent ang naturang student-athlete na isusumite sa GAB na siya namang magbibigay ng Special Guest License.

Sa ganitong paraan, magkakaroon na ng data base ang NCAA at mabilis na mamo-monitor kung ilan ang eksaktong bilang ng mga student-athletes na naglalaro sa pro leagues.

Nilinaw din ng NCAA na hindi maaaring makapag­laro ang isang student-athlete habang ongoing ang collegiate season. Maaari lamang itong maglaro tuwing offseason.

NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with