Bakbakan sa NCAA broadcast right matindi
Ayon sa naglabasang ulat, kani-kanyang padala ng big bosses ang dalawang networks sa presentasyon nito sa NCAA.
STAR/ File

Bakbakan sa NCAA broadcast right matindi

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2020 - 12:00am

GMA-7 VS TV5

MANILA, Philippines — Pukpukan ang labananan para sa broadcast right ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Dalawa ang nangungunang kandidato para makuha ang karapatang magsahimpapawid ng pinakamatandang collegiate league sa bansa — ang giant network na GMA-7 at ang sports television na TV5.

Ayon sa naglabasang ulat, kani-kanyang padala ng big bosses ang dalawang networks sa presentasyon nito sa NCAA.

Ipinarada ng GMA-7 si Chairman/CEO Atty. Felipe Gozon kasama sina President/COO Gilberto Duavit, executive vice-president Felipe Yalung at iba pang high-ranking officials ng network.

Hindi naman nagpakabog ang TV5 dahil naging kinatawan nito sina Smart President/CEO Al Panlilio, TV5/Cignal President Robert Galang, Head of Consumer Business Individual Jane Basas at Consumer Business for Home Head Butch Jimenez.

Handa ang GMA-7 na gumastos upang tustusan ang pangangailangan sa broadcasting ng NCAA games sakaling makuha nito ang broadcast rights.

Hindi na bago ang GMA-7 sa sports dahil ilang malalaking sporting events na rin ang nahawakan nito gaya ng Shakey’s V-League na ngayon ay Premier Volleyball League na.

Sa kabilang banda, beterano na ang TV5 sa mundo ng sports. Sa katunayan, TV5 ang nakakuha sa broadcast rights ng UAAP simula sa Season 83 nito.

Bukod pa rito ang matagal nang hawak ng TV5 na PBA at Philippine Superliga.

NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with