^

Valdez mabangis pa rin!

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuloy lang sa ensayo si volleyball star Alyssa Valdez upang manatiling nasa mataas na kundisyon ang kanyang katawan.

Hindi nakitaan ng pa­nga­ngalawang ang Creamline Cool Smashers team captain nang humataw ito ng matatalim na atake sa isang video clip sa kanyang social media account.

Mahigit isang taon ding wala sa aktibong paglalaro si Valdez nang makansela ang malalaking volleyball tournaments sa taong ito dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Subalit kita pa rin ang bagsik nito  sa free spiking drill na isinagawa nito sa kanilang bakanteng lote na ginawang basketball/volleyball court.

Kasama ni Valdez sa ensayo si Ateneo de Manila University libero Dani Ravena na siyang taga-set ng bola.

“Tara, game!” ani Valdez.

Matatandaan na noong Nobyembre 9, 2019 pa huling nasilayan sa aksyon ang three-time UAAP MVP sa Game 2 ng best-of-three finals ng PVL Open Conference.

Pinataob ng Cool Smashers ang PetroGazz Angels sa naturang laban upang matamis na angkinin ang kanilang ikatlong korona sa liga.

Orihinal sanang magbubukas ang Reinforced Conference ng Premier Volleyball League (PVL) noong Mayo subalit kinansela ito dahil sa pan­demya.

ALYSSA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with