NLEX dinurog ang San Miguel Beermen
Matinding depensa ang ibinigay ni Anthony Se­merad ng NLEX kay Chris Ross ng San Miguel.
STAR/File

NLEX dinurog ang San Miguel Beermen

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2020 - 12:00am

Alaska swak sa quarters

MANILA, Philippines — Idinagdag ng mga Road Warriors ang nagdedepensang Beermen sa kanilang ikatlong sunod na biktima.

Kaagad nagdomina ang NLEX sa pagsisimula ng laro patungo sa 124-90, pagbugbog sa San Miguel para palakasin ang kanilang pag-asa sa quarterfinal round ng 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Matapos kunin ng Road Warriors, pinaganda ang marka sa 4-5, ang 30-point lead, 67-47, sa halftime ay hindi nakabangon ang Beermen, nahulog sa ikalawang dikit na kabiguan para sa 5-4 record.

“I don’t think may karapatan na kami na to look further other than the next game,” sabi ni NLEX coach Yeng Guiao, nakahugot kay big man Mike Miranda ng career-high 22 points. “We’re just trying to get better.”

Nagdagdag si Kevin Alas ng 19 points para sa Road Warriors at may tig-14 at 11 markers sina Kiefer Ravena at JR Quiñahan at Jericho Cruz, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, pinitas ng Alaska (6-4) ang ikaapat na tiket sa quarterfinals makaraang kunin ang 102-94 panalo kontra sa NorthPort (1-7).

º” wika ni coach Jeff Cariaso sa kanyang Aces, nakahugot kina Abu Tratter at Rodney Brondial ang Aces sa kanilang tig-16 points.

Matapos naman ang 0-7 panimula ay nakatikim ng panalo ang Terrafirma nang gibain ang Blackwater, 110-101, sa likod ng 27 points ni CJ Perez.

Naglista si rookie Roosevelt Adams ng mga career-highs 20 points at 16 rebounds para sa 1-7 baraha ng Dyip at may 19 markers si Juami Tiongson.

BEERMEN NLEX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with