^
Valdez may pasabog!
Isang model pose ang ipinaskil ni Alyssa Valdez sa kanyang Instagram account.
STAR/File

Valdez may pasabog!

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ginulantang ni three-time UAAP MVP Alyssa Valdez ang lahat nang ilabas nito ang ibang bahagi ng kanyang personalidad sa social media.

Mahigit 239,000 views na ang Instagram post ni Valdez kung saan bagong mukha ang nasilayan ng kanyang mga fans dahil sa kanyang suot na wig na may maiksing buhok at bangs.

“Chillin’ like a villain, yeah ra ra ra,” ang naka­lagay sa kanyang post.

Umani naman ito ng papuri mula sa kanyang fans.

Nagkomento rin ang ilang personalidad gaya ni social media influencer/vlogger Mimiyuuuh na biniro pa si Valdez.

“Kala ko ako ginagaya mo :( Xhnz!!,” ayon sa komento ni Mimiyuuh na kilala sa kanyang maiksing buhok na may bangs.

May biro rin si Angelica Panganiban na isa sa kila­lang masugid na tagasuporta ng Ateneo de Manila University Lady Eagles sa UAAP women’s volleyball.

“Hu u po?,” ani Pa­nganiban na sinagot ni Valdez ng “Miss upo.”

Kani-kanyang komento rin ang iba pang Ateneo Lady Eagles gaya nina Ponggay Gaston, Jem Ferrer at Jamie Lavitoria.

Tila may Part 2 pa ang post ni Valdez dahil sa komento ni Miss Universe-Philippines second runner-up at Creamline Cool Smashers opposite hitter Michele Gumabao.

“Please post your intro­duction dance!!! Plea­seeee,” ani Gumabao.

ALYSSA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with