PBA games ipinatigil ng IATF
Lumiyad si NLEX guard Kevin Alas para maiwasan ang supalpal ni TNT Katropa big man Troy Rosario sa huling laro ng PBA noong Huwebes.
PBA Image
PBA games ipinatigil ng IATF
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 31, 2020 - 12:00am

Bagong protocols ilalatag

MANILA, Philippines — Dahil sa magkakasunod na kaso ng nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa loob ng PBA ‘bubble’ ay kinansela simula kahapon ang mga laro sa 2020 Philippine Cup.

Ito ang naging rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa liga na pinayagang ipagpatuloy ang torneo noong Oktubre 11 sa ilalim ng mahigpit na pagpapatupad ng health at safety protocols sa loob ng bubble sa Clark Freeport Zone sa Angeles, Pampanga.

Ayon sa PBA Commissioner’s Office, ipagpapatuloy ang torneo sa sandaling maglabas na ng bagong health protocols ang IATF at Department of Health (DOH).

“In compliance with the recommendation of the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Di­seases (IATF-EID) Technical Working Group and the Department of Health (DOH) Advisory Group of Experts and to ensure the integrity and safety of the PBA Bubble, the league is postponing the games starting TODAY, October 30 - Friday, until the new protocols proposed by the IATF and DOH are out in place,” ang official statement ng liga. “The PBA would like to thank the IATF, DOH and Clark Development Corporation (CDC) for their continuous support and guidance.”

Nakatakda sanang maglaban kahapon ang Magnolia at NorthPort at ang nagdedepensang San Miguel laban sa Barangay Ginebra. Isang triple-hea­der naman ang iniskedyul sana ngayon na tinatampukan ng bakbakan ng Blackwater at Terrafirma sa alas-2 kasunod ang laban ng TNT Ka­tropa at Meralco sa alas-4 ng hapon at ang pagtutuos ng Phoenix at Rain or Shine sa alas-6:45 ng gabi.

Noong Oktubre 21 ay isang referee ang nagpo­sitibo sa COVID-19 sa kanyang swab test bago nag­negatibo matapos su­malang sa RT-PCR at antigen tests.

Matapos ang limang araw ay isang Blackwater player ang nagpositibo sa COVID-19 at naglabas ng negative results sa kanyang pagsailalim sa antigen test.

Ang nasabing referee at Elite player ay itinuring na ‘false positive’ ng PBA at nananatili sa quarantine facility sa Athletes’ Village sa Capas, Tarlac.

Dahil sa nasabing dalawang kaso ng COVID-19 ay ipinagpaliban ang dalawang laro ng Blackwater kontra sa Rain or Shine at laban sa Magnolia.

Inaprubahan ng IATF ang ‘bubble’ concept ng PBA noong Setyembre 17 kung saan pansamantalang titira ang lahat ng mga players at staff sa Quest Hotel habang idaraos ang mga laro sa Angeles University Foundation gym.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with