De Los Santos nakatutok sa panibagong titulo
Orencio James De Los Santos
STAR/ File
De Los Santos nakatutok sa panibagong titulo
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabadya na naman ang isang gold medal finish para kay world No. 1 Orencio James De Los Santos matapos umabante sa finals ng 2020 Pune Open India Karate E-Tournament.

Muling ipinamalas ni De Los Santos ang matikas na porma nito para makahirit ng tiket sa gold-medal match sa men’s seniors individual kata event.

Makakasagupa nito sa finals si Alves Murillo ng Brazil.

Puntirya ni De Los Santos na masikwat ang panibagong gintong medalya upang lubos na mapatatag ang kanyang kapit sa unang puwesto sa world rankings.

“The journey isn’t over. My new goal is to maintain the No. 1 spot throughout the year. This is a much bigger challenge, as there will be other eKata players, who want the No. 1 spot as well,” wika ni De Los Santos.

Sariwa pa si De Los Santos sa tatlong sunud-sunod na kampeonato.

Pinagharian nito ang Katana Intercontinental Karate League E-Tournament, 1st Euro Grand Prix E-Tournament 2020 at 2nd E-Karate Games 2020.

Maliban sa Pune Open India Karate E-Tournament, nakarehistro rin si De Los Santos sa ilan pang international online tournaments kung saan hinihintay na lamang nito ang resulta ng kanyang mga isinumiteng entry.

ORENCIO JAMES DE LOS SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with