PBA fans nalungkot
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malungkot ang basketball community matapos ipatigil ang PBA Season 45 Philippine Cup na ginaganap sa isang bubble setup sa Clark, Pampanga.

Inihayag ng PBA management ang postponement ng mga laro simula kahapon base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IAFT).

Kaya naman nalungkot ang Pinoy fans dahil naging bahagi na ng kanilang regular na araw ang panonood sa maaksyong bakbakan sa PBA.

Malaki ang naitutulong ng PBA sa mga mamamayan lalo na sa mga nagdesisyong mag self-quarantine sa kani-kanyang tahanan upang makaiwas sa coronavirus disease (COVID-19).

Maganda rin itong pambalanse sa mga negatibong balitang napapanood dahil sa epektong dulot ng pandemya.

“Wala na ngang mapanood na magandang balita, mawawala pa ang PBA,” ayon sa isang komento sa social media.

Mas minabuti na ng PBA na sumunod sa ipinag-utos ng IATF upang masiguro rin na ligtas ang lahat ng nasa loob ng bubble partikular na ang mga players, officials at coaches.

Dalawang tao ang nag­positibo sa swab test kamakailan.

Isang player mula sa Blackwater at isang referee.

Nagnegatibo naman ang confimatory swab tes­ting na isinagawa sa dalawang ito.

Subalit upang makatiyak ng husto, mismong ang IATF na ang nagdesisyon na ipatigil muna ang liga.

Habang nakaabang sa magiging desisyon ng IATF, mananatiling nakaalerto ang PBA  bubble kung saan mahigpit na ipinatutupad ang matinding health protocols.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with