PBA 'bubble' suspendido sa gitna ng COVID-19 crisis
Karatula ng PBA Bubble, na nagpagulong ng kanilang season nitong nakaraan sa Clark, Pampanga sa gitna COVID-19 scare
PBA
PBA 'bubble' suspendido sa gitna ng COVID-19 crisis
James Relativo (Philstar.com) - October 30, 2020 - 2:02pm

MANILA, Philippines — Sa ikalawang pagkakataon, sinuspinde ng pamunuan ng PBA ang mga basketball games sa loob ng "bubble," ayon sa isang pahayag na inilabas sa publiko, Biyernes.

Ayon sa liga, ito ay bilang kanilang pagsunod na rin sa rekomendasyon na inihapag sa kanila ng Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Technical Working Group.

Ang nasabing suspensyon ay epektibo ngayong araw, agad-agad.

"In compliance with the recommendation of the IATF-EID Technical Working Group and the DOH Advisory Group of Experts and to ensure the integrity and safety of the PBA Bubble, the league is postponing the games starting TODAY, October 30 until the new protocols proposed by the IATF and DOH are out in place," kanilang sabi.

Wala pa namang ibang impormasyon na ibinibigay sa ngayon ang PBA hinggil sa suspensyon.

Lumabas ang naturang balita matapos ang serye ng pagpositibo sa COVID-19 ng ilang personalidad sa basketball, kasama na ang isang refereee at isang PBA player.

Basahin: Ref tests positive for COVID-19 in PBA bubble

May kinalaman: PBA player tests positive for COVID-19, Manila Clasico to push through

Matatandaang nagpatupad ng "PBA bubble" sa Clark kamakailan, isang self-sustaining sportdom na sarado sa outside world, para maipagpatuloy at hindi maantala ang basketball games kahit na libu-libo na ang napatay ng COVID-19 sa Pilipinas.

Marso 2020 nang unang ikansela ang lahat ng PBA activities at mga palaro dahil na rin sa takot sa pandemya.

Humingi naman ng pasasalamat ang PBA sa IATF-ED, DOH at Clark Development Corporation (CDC) para sa kanilang "patuloy na suporta at gabay."

Sa huling ulat ng DOH, Huwebes, umabot na sa 376,935 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 7,147 na ang patay. 

CLARK NOVEL CORONAVIRUS PAMPANGA PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with