Inoue kakasa  kay Casimero
John Riel Casimero
ringtv.com
Inoue kakasa kay Casimero
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

Tatapusin muna si Moloney

MANILA, Philippines  — Matutupad na ang pangarap ni reigning World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero na makasagupa si World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) bantamweight king Naoya Inoue.

Ito ay matapos ihayag ng Japanese fighter na handa itong labanan si Casimero sa oras na matapos ang laban nito kay Australian Jason Moloney sa October 31.

Nais ni Inoue na tuldukan na maikasa ang unification fight kontra kay Casimero para matapos na ang mainit na bangayan ng dalawang boksingero.

Puntirya muna ni Inoue na tapusin ang asignatura nito laban kay Moloney bago ikasa ang mega fight kontra kay Casimero.

“I would like to fight Casimero as soon as possible to unify the belts, but for now, I’m focused on Moloney,” wika ni Inoue sa panayam ng The Ring.

Magugunitang naudlot ang laban nina Casimero at Inoue noong Abril 25 sa Las Vegas, Nevada matapos pumutok ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Nang maging maayos na ang boxing sa Las Vegas, ikinasa ng Top Rank Promotions ang pagsagupa ni Inoue kay Moloney sa halip na kay Casimero.

Dahil dito, nag-init si Casimero na inakusahan pang naduduwag ang Japanese fighter.

Tinawag pa nitong “turtle” si Inoue taliwas sa karaniwan nang nickname ng Japanese pug na “monster.”

Sa pagkakansela ng laban, itinapat na lamang kay Casimero si Duke Micah ng Ghana na mabilis nitong napataob matapos itarak ang third-round knockout win sa Mohegan Sun Casino sa Uncasville, Connecticut.

JOHNRIEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with