Petecio gigil masuntok ang Olympic ticket
Nesthy Petecio
STAR/ File
Petecio gigil masuntok ang Olympic ticket
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Matapos dumaan sa depresyon ay handa na si national boxer Nesthy Petecio na puntiryahin ang kanyang hinahangad na tiket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

At bilang preparasyon sa Olympic qualifying tournament sa Mayo ng 2021 sa Paris ay umupa ng apartment si Petecio para makapagsanay sa isang gym sa Digos City, Davao del Sur.

“Grabe ‘yung gigil ko na makakuha ng slot, makalaro sa Tokyo Olympics,” wika ni Petecio sa ‘People Sports Conversations’ prog­ram ng Philippine Sports Commission (PSC). “Kumbaga, ayoko na siyang bitawan eh. Nadapa man ako noon, heto na iyon eh. Babawi tayo.”

Nabigo ang tubong Santa Cruz, Davao del Sur na makasikwat ng Olympic berth nang matalo sa kanyang featherweight match kay Japanese Sena Irie sa Asia and Oceania Boxing Olympic Qualification Tournament sa Amman, Jordan.

Ipinagpasalamat ng 28-anyos na lady boxer na hindi natuloy ang ikalawang Olympic qualifiying noong Mayo dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic na nagpaurong din sa pagdaraos ng Tokyo Games.

“Nagpapasalamat din ako na hindi siya (Olympic qualifying) natuloy kasi nasa depression pa ako noong time na iyon eh nang hindi ako nakakuha ng slot sa Jordan,” ani Petecio.

Hangad ng gold meda­list ng 2019 AIBA Women’s World Boxing Championships na maging ikatlong boksingerong maglalaro sa 2021 Tokyo Olympics matapos sina middleweight Eumir Felix Marcial at flyweight Irish Magno.

Kasalukuyang nagsasanay si Marcial sa United States habang nag-eensayo sa isang gym sa Iloilo City si Magno.

TOKYO OLYMPICS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with