Folayang patutunayang may ibubuga pa!
Eduard Folayang
STAR/ File
Folayang patutunayang may ibubuga pa!
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Patutunayan ni mixed martial arts veteran Eduard Folayang na may ibubuga pa ito sa pagsabak ngayong gabi sa ONE: Inside The Matric sa Singapore Indoor Stadium.

Makakasagupa ni Folayang si Antonio “The Spartan” Caruso ng Australia sa kanilang lightweight bout.

Alam ni Folayang na matinding pagsubok ang haharapin nito.

Ngunit determinado ang Pinoy fighter na ilabas ang lahat ng alas nito upang maitala ang impresibong panalo.

Nais din ni Folayang na patahimikin ang mga kritiko nitong nagsasabing magretiro na lamang siya.

Wala pa sa isip ni Fola­yang ang salitang retirement kaya’t inaasahang bubulusok ito kontra kay Caruso para muling bumango ang kanyang pangalan.

“I know there are a lot of people who think I should retire, especially if I lose this fight against Antonio Caruso. That’s understandable. But the word retirement is not yet in my vocabulary. I believe there is still a lot of potential to be unleashed,” ani Folayang.

Malalim na ang karanasan ni Folayang.

Naging two-time ONE lightweight champion na ito.

Mataas naman ang respeto ni Caruso kay Folayang.

Ngunit handa itong ibuhos ang lahat para pigilan ang Pinoy fighter.

ONE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with