GAB sapat na para sa pro-athletes
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

Giit ni Masanguid

MANILA, Philippines  — Nanindigan ang Ga­mes and Amusements Boards (GAB) na sapat na ang ahensiya para pangalagaan ang mga professional athletes gaya ng mga boksingero at iba pang nasa combat sports.

Ito ang pananaw ni GAB Commissioner Mario Masanguid dahil ginagawa ng ahensiya ang trabaho nito para sa kapakanan ng mga pro-athletes.

Maganda ang plano ni Senator Manny Pacquiao sa pagbuo ng Philippine Boxing and Combat Sports Commission (PCSC) na tinukoy nitong magsisilbing kaakibat ng mga pro-athletes.

Sa ilalim ng PCSC, mapapangalagaan ng husto ang seguridad at kapakanan ng mga Pinoy boxers at combat sports fighters.

Ngunit ayon kay Masanguid, ganito na ang ginagawa ng GAB sa mga pro-athletes kung saan tinutugunan ng ahensiya ang pangangailangan ng mga ito.

“While we really support Senator Pacquiao’s desire to advance the interest of Pinoy boxers and other combat sports pro athletes, this initiative to create a new government agency or office may not be a good move as we are facing a pandemic or unprecedented recession and all government resources and efforts are better to be redirected to solve these problems,” ani Masanguid.

Sinabi pa ni Masanguid na ang PCSC ay isinusulong ni Pacquiao sa ilalim ng Senate Bill No. 193 at Senate Bill No. 805 kung saan mangangailangan ng P150 milyon pondo para rito.

Sa PCSC, mayroon chairman, apat na commissioners at iba’t ibang regional directors ang ahensiya.

GAB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with