PetroGazz, Motolite papalo sa PSL beach volley
Gazz Angels
STAR/ File
PetroGazz, Motolite papalo sa PSL beach volley
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Papalo ang dalawang koponan mula sa Premier Volleyball League (PVL) sa 2020 Philippine Superliga (PSL) Beach Volleyball Challenge Cup sa Nobyembre 26 sa Subic.

Ito ay ang PetroGazz at Motolite na handang makipag­sabayan sa matitikas na koponan sa PSL.

Sa kasalukuyan, siyam na koponan pa lamang ang kumpirmadong sasabak sa torneo.

Maliban sa Gazz Angels at Power Builders, hahataw din ang United Auctioneers, Cignal, Sta. Lucia at F2 Logistics.

Dalawang tropa ang ipaparada ng HD Spikers habang tatlong pares naman ang isasabak ng Lady Realtors.

Kakatawanin naman ang United Auctioneers ng National Collegiate Athletic Association powerhouse Arellano University.

Pinag-aaralan pa ng Cargo Movers kung sino ang isasabak nito sa torneo.

“We are really opening our doors to other clubs who are not part of the PSL to make the league bigger and better in the next few years,” ani PSL chairman Philip Ella Juico.

Hindi masisilayan sa edisyong ito ang PLDT at Marinerang Pilipina na nagpasyang lumiban dahil sa pandemya.

Wala pang anunsiyo kung magpapartisipa sina beach volleyball queens Sisi Rondina at Bernadeth Pons na kasalukuyan nang nasa Creamline Cool Smashers.

Makailang ulit nagkampeon sina Rondina at Pons sa PSL beach volley tournament noong nasa Petron pa ito.

PSL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with