San Miguel wagi sa Meralco
Pinuwersa ni Marcio Lassiter ng San Miguel si Trevis Jackson ng Meralco.
PBA Images
San Miguel wagi sa Meralco
Russell Cadayona, Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

Bakbakang Elite, hotshots

MANILA, Philippines  — Natabunan man ng 13 puntos sa third quarter ay hindi ito naging sapat para mawalan ng kumpiyansa ang mga Beermen.

Bumalikwas ang nagdedepensang San Miguel sa final canto para balikan ang Meralco, 89-82, sa 2020 PBA Philippine Cup kagabi sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Ang ikatlong sunod na ratsada ng Beermen ang nagbigay sa kanila ng 4-2 record kasosyo ang Ginebra Gin Kings at Phoenix Fuel Masters sa ikatlong puwesto.

Nabigo naman ang Bolts na makamit ang pa­ngatlong dikit nilang panalo at nahulog sa 3-3.

Matapos kunin ng Me­ralco ang 65-52 abante sa 2:17 minuto ng third period ay humataw ang San Miguel sa fourth quarter para ilista ang 86-80 kalamangan sa huling 2:47 minuto nito.

Ang three-point shot ni Chris Ross sa natitirang 19 segundo ang sumelyo sa panalo ng Beermen.

Samantala, kinansela na naman ang laro ng Blackwater sa pagkakataong ito laban sa Magnolia sa PBA Season 45 Philippine Cup na ginaganap sa Clark, Pampanga.

Inanunsiyo kahapon ng pamunuan ng PBA ang kanselasyon sa Blackwater-Magnolia game dahil kailangan pa ito ng appro­val mula sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Ito ay dahil sa nauna nang napaulat na may Blackwater player na nag-positibo sa coronavirus disease (COVID-19) na kalaunan ay nagnegatibo rin sa panibagong swab test na isinagawa.

Negatibo rin ang resulta ng swab test sa lahat ng Blackwater players na sumailalim sa panibagong swab test sapul nang lumabas ang naturang ulat.

Sa kabila ng negatibong resulta, nananatili ang naturang manlalaro sa quarantine facility sa New Clark City.

Ito ang ikalawang nakanselang laro ng Elite na una nang hindi pinaglaro kontra sa Rain or Shine Elasto Painters noong Linggo dahil sa isyu.

BEERMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with