NCAA sa GMA-7 pinag-aaralan?
NCAA
STAR/ File
NCAA sa GMA-7 pinag-aaralan?
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Ikinukunsidera ng NCAA na pumasok sa kasunduan sa GMA-7 upang maging official broadcast media partner nito sa mga darating na season ng liga.

Ngayong wala nang prangkisa ang ABS-CBN na siyang naging tahanan ng NCAA sa loob ng ilang taon, pinag-aaralan na ng liga ang lahat ng posibilidad para sa pagbubukas ng Season 96 sa susunod na taon.

Maliban sa TV5, kabilang sa mga kandidato ng NCAA ang GMA-7 na nauna nang napaulat na muli nitong bubuksan ang pintuan para sa mga sporting events.

Hindi naman na bago ang NCAA sa TV5 dahil naging official broadcast partner na ito ng liga mula Season 88 hanggang Season 90 bago bumalik sa ABS-CBN noong Season 91 hanggang Season 95.

Sanay na ang TV5 sa mga sporting events.

Ito ang kasalukuyang broadcast partner ng PBA at iba pang liga kaya’t may mga available equipment na ito para sa sporting events.

Naging broadcaster na rin ito ng ilang multi-sporting events tulad ng Southeast Asian Games.

Sa kabilang banda, may karanasan na rin ang GMA-7 sa sporting events.

Ilang boxing programs at volleyball events na ang naisahimpapawid nito gaya ng local volleyball league.

Inaasahang maglalabas ng desisyon ang NCAA sa mga susunod na araw kung saang network ito mapapanood.

NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with