Abueva malaki ang pasasalamat
Calvin Abueva
File
Abueva malaki ang pasasalamat
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lubos ang kasiyahan ni Phoenix star Calvin Abueva sa panibagong buhay na ibinigay sa kanya ng pamunuan ng PBA.

Kaya naman malaki ang pasasalamat nito kay PBA commissioner Willie Marcial matapos tanggalin ang indefinite ban na ipinataw sa kanya.

Hindi rin nakalimutan ni Abueva na pasalamatan ang lahat ng taong tumulong sa kanya upang mu­ling masilayan sa PBA Season 45 Philippine Cup na kasalukuyang ginaganap sa Clark, Pampanga.

Partikular na tinukoy nito ang mga personalidad na hindi bumitiw sa kanya lalo noong panahong nasa ilalim ito.

“Thank you sa lahat ng mga sumusuporta sa akin, at thank you sa lahat ng dasal n’yo,” ani Abueva.

Malaki rin ang pasasalamat nito sa libu-libong fans na hindi nagsawang sumuporta sa kanya sa kabila ng mga pagsubok na dinaanan nito.

Kaya naman nangako si Abueva na hindi nito sasayangin ang panibagong pagkakataong ibinigay sa kanya.

Tatanawin niya itong malaking utang na loob na lubos niyang panga­ngalagaan habang nag­lalaro sa liga.

“Inaalay ko po itong game na ito para sa inyo at especially sa mga friends na laging andyan sa akin,” dagdag ni Abueva.

Samantala, kagaya ng kaso ng isang PBA referee, negatibo rin ang naging resulta ng isang player ng Blackwater sa swab at antigen tests isang araw matapos itong magpositibo sa coronavirus disease (COVD-19).

“We would like to report that the RT-PCR test taken by the Blackwater player Sunday yielded a negative result. He also tested negative on antigen,” wika kahapon ng PBA sa kanilang official statement.

Kamakalawa ay iniha­yag ng PBA ang pagiging positibo sa COVID-19 ng isang player ng Elite.

Ang nasabing player ng Blackwater ay kaagad idiniretso sa New Clark City quarantine facility sa Capas, Tarlac.

Inilagay rin ang buong Elite sa isang isolation bilang pagsunod sa inilatag na health at safety protocols pati na ang TNT Katropang Giga na huling nakalaban ng koponan ni coach Nash Racela. - Chris Co

CALVIN ABUEVA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with