Laban ng Tropang Giga kontra sa Batang Pier ipinagpaliban
Tinangkang lusutan ni Aljon Mariano ng Ginebra si Jackson Corpuz ng Magnolia sa kanilang laban noong Linggo ng gabi.
PBA Image
Laban ng Tropang Giga kontra sa Batang Pier ipinagpaliban
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa ikalawang sunod na araw ay ipinagpaliban ng Philippine Basketball Association (PBA) ang isang laro sa 2020 Philippine Cup.

Nagdesisyon ang PBA na ilipat sa ibang araw ang nakatakdang bakbakan kagabi ng TNT Katropa at NorthPort sa Angeles University Foundation sa Angeles, Pampanga.

Ito ay dahil ipinasok sa isolation ang buong Tropang Giga noong Linggo bunga ng kanilang exposure sa isang player ng Blackwater Elite na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

“Game between @NorthPortPH and @TNTTropangGIGA today is CANCELLED and will be rescheduled to a later date,” pahayag ng PBA.

Noong Linggo ay ipinagpaliban ang laban ng Blackwater at Rain or Shine habang itinuloy naman ang ‘Manila Clasico’ ng Barangay Ginebra at Magnolia na napagwagian ng mga Hotshots laban sa mga Gin Kings, 102-92.

Dahil sa pagbabago sa iskedyul ay sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na tiyak na magtatakda sila ng mga triple-headers sa mga susunod na araw.

Ang unang triple-hea­der na itinakda ng liga ay sa Oktubre 31 kung saan maglalaban ang Blackwater at Terrafirma habang magtutuos ang Meralco at TNT Katropa at magbabanggaan ang Rain or Shine at Phoenix.

Samantala, nakatakda namang harapin ng Gin Kings (4-1) ang Elasto Painters (3-1) ngayong alas-6:45 ng gabi matapos ang pagtutuos ng Aces (3-3) at Terrafirma Dyip (0-4) sa alas-4 ng hapon.

Kapwa nanggaling sa kabiguan ang Ginebra at Rain or Shine sa kanilang mga huling laro.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with