Gilas darayo sa Bahrain para sa FIBA Asia Cup Qualifiers
Makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang po­werhouse South Korea sa Nobyembre 27 kasunod ang pagharap sa Southeast Asian Games emerging power Thailand sa Nobyembre 30.
FIBA.com
Gilas darayo sa Bahrain para sa FIBA Asia Cup Qualifiers
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas lalo pang nadagdagan ang pressure sa panig ng Gilas Pilipinas matapos pangalanan na ang host cities para sa FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa Nobyembre.

Tinukoy ng FIBA ang Manama, Bahrain bilang host ng Group A kung saan kabilang ang Pilipinas, South Korea, Thailand at Indonesia.

Makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang po­werhouse South Korea sa Nobyembre 27 kasunod ang pagharap sa Southeast Asian Games emerging power Thailand sa Nobyembre 30.

Pinili ng FIBA ang Bahrain na may kakayahang mag-host ng isang mala­king event at may kapasidad na mapanatiling ligtas ang lahat ng magiging kalahok.

“The most important criteria in choosing the hosts were health and travel gua­rantees and compliance with FIBA health protocols, including testing and controlled entry into a secure environment,” ayon sa inilabas na statement ng FIBA.

Gaya nang nauna nang plano ng FIBA, ipagpa­patuloy ang quali­fying event sa isang bubble setup kung saan sasai­lalim sa quarantine period ang lahat ng kalahok bago simulan ang mga laro.

Magugunitang naudlot ang qualifiers noong Marso matapos pumutok ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Mananatiling nakatutok ang FIBA sa sitwasyon ng COVID-19 sa Asya para masiguro na ligtas ang pagtatanghal ng torneo.

Ngayong kasado na ang lahat para sa FIBA Asia Cup Qualifers, inaasahang mamadaliin na ng Sama-hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pagbuo ng solidong koponan.

Malaking problema ito para sa SBP dahil ilang linggo na lamang ang nalalabi bago ang naturang event.

Kailangan ng Gilas Pilipinas na makapagsanay ng matagal upang mabuo ang chemistry bago sumalang sa bakbakan. 

FIBA GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with