Walang UAAP, NCAA sa 2020

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

Sa susunod na taon na target simulan

MANILA, Philippines — Dahil hindi pa kontrolado ang sitwasyon dulot ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, walang balak ang UAAP at NCAA na ituloy sa taong ito ang kanya-kanyang liga.

Ito ang parehong inihayag ng opisyal ng UAAP at NCAA matapos ang pagpupulong kahapon ng iba’t ibang liga, college/university officials at technical working group kahapon.

Target ng UAAP at NCAA na simulan na lamang ang liga sa susunod na taon sa oras na ma­ging maayos na ang lahat patungkol sa pandemya.

Ayon kay UAAP executive director Rebo Sagui­sag, nakabantay ang liga sa kasalukuyang kalaga­yan ng bansa at nakikita nitong hindi pa panahon para simulan ang liga.

Ganito rin ang pananaw nina Hercules Callanta ng Lyceum of the Philippines at Paul Supan ng Jose Rizal University na parehong miyembro ng NCAA.

Mas makabubuting huwag munang simulan ang liga dahil nais nitong pa­ngalagaan ang kaligtasan ng lahat partikular  ang mga student-athletes.

Sa ngayon, mas nakatuon ang mga collegiate leagues sa planong masimulan ang training ng mga student-athletes bilang paghahanda sa posibleng pagbubukas sa unang bahagi ng susunod ng taon.

Pinaplantsa na ang guidelines para sa pagbabalik-ensayo ng mga student-athletes katuwang ang technical working group na binubuo ng ilang sangay ng gobyerno at mga kinatawan ng iba’t ibang collegiate leagues.

NCAA UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with