Gumabao 2nd runner-up sa Miss Universe Philippines
Michelle Gumabao
STAR/ File
Gumabao 2nd runner-up sa Miss Universe Philippines
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2020 - 12:00am

Balik-volleyball na?

MANILA, Philippines  — Posibleng magbalik-volleyball na si Creamline Cool Smashers opposite hitter Michele Gumabao matapos masungkit ang second runner-up sa Miss Universe-Philippines kahapon na ginanap sa Baguio City.

Napahanga ni Gumabao ang lahat dahil sa kanyang husay sa pagsasalita gayundin ang malaking improvement sa kanyang stage presence.

Nakipagsabayan ang dating Binibining Pilipinas-Globe titleholder sa mahigit 40 kalahok upang makapasok sa Top 16.

Inilatag ni Gumabao ang kanyang husay sa pag­rampa sa swimsuit at evening gown na siyang naging tiket nito upang umabante sa Top 5.

Sa final round, tinatanong siya kung anong mahalagang mobile app sa kanya habang nasa qua­rantine kung saan Bibliya ang isinagot nito.

“It kept me grounded, and it kept me centered. And that’s the most important thing I need in the time of a pandemic,” ani Gumabao.

Mas lalo pang nag-init si  Gumabao nang tanungin ito ng final question sa kung ano ang saysay ng beauty pageants sa panahong ito ng pandemya.

“As we all know pa­geants are a very, very ins­piring event, not only to the Philippines but to eve­ry country  who supports pageantry. It is important to stage a pageant and to show the Philippines that we are more than just our setbacks and our failures and overcome our adversities,” ani Gumabao.

Magiging abala si Gu­mabao sa kanyang tungkulin bilang second runner-up sa ilang programa at adbokasiya ng Miss Universe-Philippines. Ngunit inaasahang magbabalik na ito sa volleyball na bahagi na ng kanyang buhay.

MICHELE GUMABAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with