De Los Santos pasok sa Finals sa Katana E-Tourney
OJ Delos Santos
Star/ File
De Los Santos pasok sa Finals sa Katana E-Tourney
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Nakaabang na naman ang panibagong gintong medalya para kay World No. 1 Orencio James De Los Santos matapos pumasok sa finals ng Katana Intercontinental Karate League E-Tournament.

Umabante sa finals si De Los Santos nang pataubin nito si Nejc Sternisa ng Slovenia sa bendisyon ng 25.1-24.1 desisyon sa semifinals ng men’s seniors individual kata.

Makakaharap ni De Los Santos sa gold-medal match si Juan Chio ng Costa Rica na ginulantang si dating world No. 1 E­duardo Garcia ng Portugal sa hiwalay na semifinal match.

Ito ang unang pagkakataon na makakasagupa ni De Los Santos si Achio sa finals kaya’t inaasahang isang panibagong pasabog ang ilalatag nito sa finals para masiguro ang gintong medalya.

Maliban sa Katana Intercontinental Karate League E-Tournament, inaabangan din ni De Los Santos ang resulta ng kanyang kampanya sa Golden League.

“Finished? Matter of fact, no. Far from it. The show must go on,” ayon kay De Los Santos.

Sa kasalukuyan, may 15 gintong medalya na si De Los Santos sa online tournament kabilang na ang dalawang sunod na kampeonato sa 1st Euro Grand Prix E-Tournament 2020 at 2nd E-Karate Games 2020.

JAMES DE LOS SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with