Tolentino nanawagan ng pagkakaisa
Abraham ‘Bambol’ Tolentino
STAR/ File
Tolentino nanawagan ng pagkakaisa
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2020 - 12:00am

Sa hanay ng mga sports officials

MANILA, Philippines  — Anuman ang maging resulta ng eleksyon ng Phi­lippine Olympic Committee (POC) sa Nobyembre 27 ay dapat pa ring magkaisa ang lahat ng top sports officials.

Ito ang kahilingan ni POC incumbent president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ng cycling na handang makipagtulungan sa grupo ng karibal na si Atty. Clint Aranas ng archery.

Kasama ni Tolentino sa kanyang tiket sina Tom Carrasco (chairman) ng triathlon, Al Panlilio (first VP) ng basketball, Ormoc City Mayor Richard Gomez (2nd VP) ng fencing at modern pentathlon, Cynthia Carrion (treasurer) ng gymnastics, Chito Loyzaga (auditor) ng baseball at sina Raul Canlas ng surfing, Dave Carter ng judo at Prospero ‘Butch’ Pichay ng chess para sa POC Board.

Ang grupo naman ni Aranas ay binubuo nina Steve Hontiveros (chairman) ng handball, Philip Ella Juico (first vice president) ng athle­tics, Ada Milby (second vice president) ng rugby, Monico Puentevella (treasurer) ng weightlifting at sina Julian Camacho ng wushu, Robert Bachmann ng squash, Charlie Ho ng netball at Robert Mananquil ng billiards (POC Board).

POC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with