PFL may dagok agad!
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Hindi pa man nakapagsisimula, isang malaking dagok na agad ang nalasap ng Philippines Football League (PFL) matapos magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang anim kabilang ang limang players dahilan upang kanselahin muna ang season opening ng liga.

Base sa resulta ng isinagawang swab testing bago pumasok sa bubble, may limang players, isang coach at tatlong itinuturing na “close contacts” mula sa dalawang koponan ang positibo sa COVID-19.

Handa naman ang PFL sa ganitong sitwasyon kaya’t agad na inilagay sa isolation facility ang mga nagpositibo sa coronavirus.

Naglabas din ng statement ang liga para pansamantalang suspendihin ang opening day kahapon tampok sana ang tatlong laro.

Idinahilan din ng PFL ang hindi magandang panahon dahil sa Tropical Depression Quinta na magdadala ng malakas na ulan sa competition venue sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite.

“We have anticipated this scenario hence there is a set of health and safety protocols in place for incidents such as this,” ayon sa statement ni PFL Commissioner Coco Torre.

Mas lalo pang hinigpitan ng pamunuan ng PFL ang health protocols sa Seda Nuvali Hotel sa Sta. Rosa, Laguna na siyang taha­nan ng lahat ng delegado upang masiguro na ligtas ang lahat.

Umaasa ang PFL na matutuloy na ang pagbubukas ng liga sa mga susunod na araw sa oras na maayos na ang lahat.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with