Blackwater player positibo sa COVID-19
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2020 - 12:00am

Laro ng Elite at Elasto Painters kinansela

MANILA, Philippines  — Matapos ang sinasabing ‘false positive’ ng isang referee ay kinumpirma naman kahapon ng Philippine Basketball Association (PBA) ang unang posibleng coronavirus disease (COVID-19) case sa loob ng ‘bubble’.

Ibinunyag ng liga ang pagpositibo sa COVID-19 ng isang player ng Blackwater kasunod ang pagkakasuspindi sa laro nito laban sa Rain or Shine kahapon sa 2020 Philippine Cup sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na inilabas na ang nasabing player ng Elite sa PBA ‘bubble’ sa Clark Freeport Zone sa Angeles at idiniretso sa New Clark City quarantine facility sa Capas, Tarlac.

“Iyong ating PBA player na lumabas na positive ang result ay nalipat na rin sa New Clark City Athletes Village dahil kailangan nga tayong magsigurado,” sabi ni Vince Dizon, ang deputy chief implementer ng COVID-19 response at president at CEO ng Bases and Conversion Development Authority (BCDA).

Inilagay din ang buong tropa ng Blackwater at TNT Katropa sa isang isolation bilang pagsunod sa inilatag na health at safety protocols.

“Na-identify na rin ang kanyang (Blackwater pla­yer) mga close contact at iyong mga close contact na iyon ay na-isolate na rin,” dagdag ni Dizon.

Ang mga Tropang Texters, bilang close contact, ang huling hinarap ng Elite noong Huwebes at muling isasalang sa swab testing.

Bagama’t sinuspindi ang laban ng Elite at Elasto Painters ay itinuloy naman ang ‘Manila Clasico’ ng Ginebra Gin Kings at Magnolia Hotshots sa ikalawang laro kagabi.

Nauna nang inihayag ng PBA ang posibleng unang kaso ng COVID-19 sa loob ng PBA ‘bubble’ matapos magpositibo ang isang referee sa swab test.

Ngunit sa antigen tes­ting nito ay negatibo sa virus ang nasabing game official.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with