Thompson mabigat ang loob sa PBA bubble
Scottie Thompson
STAR/ File
Thompson mabigat ang loob sa PBA bubble
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Mabigat ang pakiramdam ni Barangay Ginebra guard Scottie Thompson sa loob ng PBA Season 45 Philippine Cup bubble sa Clark, Pampanga.

Ito ay matapos mamaalam ang kanyang pinaka-mamahal na lola na nangako pa sa kanya na hihintayin ang kanyang pagbabalik bitbit ang panibagong kampeonato.

Walang magawa si Thompson dahil hindi ito maaaring lumabas sa PBA bubble base na rin sa ipinatutupad na mahigpit na health protocols.

Kaya naman inilabas na lamang ni Thompson ang mabigat na saloobin nito sa kanyang social media account para maipara­ting ang kanyang pagdadalamhati.

“Sabi mo antayin mo ulit kami mag-champion bago ka pumikit,” ani Thompson sa kanyang post.

Nakiramay naman ang mga katropa nito sa Gin Kings gayundin ang mga players, coaches at officials na nasa loob ng bubble maging ang solidong taga-hanga ng Barangay Ginebra.

Dahil dito, mas magi­ging inspirado si Thompson sa loob ng bubble upang sa paglabas nito, may dala itong magandang balita sa oras na bisitahin ang puntod ng kanyang lola.

Maganda ang ratsada ng Gin Kings sa loob ng bubble na kasalukuyang may matikas na 4-0 rekord.

Malaki ang naitulong ni Thompson sa naturang apat na laro nang magtala ito ng averages na 11.0 points, 7.8 rebounds at 6.0 assists.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with