Zamboanga hari na naman sa 3x3 Leg 2
Alvin Pasaol
STAR/ File
Zamboanga hari na naman sa 3x3 Leg 2
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Napasakamay ng Zamboanga City ang ikalawang sunod na korona matapos pagharian ang 2020 3x3 President’s Cup sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Matikas na pinabagsak ng  Zamboanga ang Nueva Ecija sa bendisyon ng 21-11 panalo sa finals upang makumpleto ang back-to-back rampage ng tropa.

Napasakamay nina Zamboanga players Alvin Pasaol, Joshua Munzon, Troy Rike at Santi Santillan ang panibagong P100,000 premyo.

Nauna nang nagkampeon ang Zamboanga sa Leg 1.

Nagkamit din ng P100,000 premyo ang Nueva Ecija base na rin sa nauna nang inihayag ng organizers na bibigyan ng parehong cash prize ang koponang papasok sa finals sakaling  Zamboanga ang umabante sa cham­pionship round.

Nasikwat ni David Carlos ang korona sa Slam Dunk Contest habang ibinulsa naman ni Roider Cabrera ang korona sa Two-Point Shootout.

JOSHUA MUNZON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with