Olympic hopefuls dapat nang ihandaâFernandez
Ramon Fernandez
STAR/File
Olympic hopefuls dapat nang ihanda—Fernandez
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Para mapaghandaan ang mga nakanselang qualifying tournaments ng 2021 Olympic Games ay gusto na ni Philippine Sports Commissioner Ramon Fernandez na isabak sa mga international competitions ang mga Olympic hopefuls.

Hinihintay ng PSC na makumpleto ang iskedyul ng mga international fe­derations para malahukan ng mga national athletes na naghahangad ng tiket sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan.

“We really have to send them to international competitions,” ani Fernandez. “That’s why we are also waiting for the schedules of the different international federations kung kailan iyong mga tournaments nila”

Tanging sina pole vaul­ter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno ang mayroon nang Olympic berth.

Ang iba pang tumatarget ng Olympic spot ay sina 2016 Rio de Janeiro silver medalist Hidilyn Diaz (weightlifting), 2018 Asian Games gold medal winner Margielyn Didal (skateboarding), 2019 world champion Nesthy Petecio (boxing), Fil-Japanese Kiyomi Watanabe (judo) at Fil-Ams Kristina Knott at Eric Shaun Cray (athletics).

Balak ng PSC na ipasok ang mga Olympic hopefuls na nasa bansa sa isang training ‘bubble’ sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Ayon kay Chef De Mission Mariano ‘Nonong’ Araneta, humigit-kumulang sa 82 atleta mula sa 19 sports ang pumupuntirya ng Olympic slot.

PSC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with