Ancajas nakaabang lang sa laban
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

Sa Disyembre o Enero pa...

MANILA, Philippines  — Sa Disyembre o Enero pa posibleng sumalang si International Boxing Fede­ration (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas.

Ito ang ibinalita ng ma­nager nitong si Joven Jimenez kahapon matapos makipag-usap sa Top Rank Promotions na siyang umaayos sa laban ni Ancajas.

Una nang puntirya ang pagdepensa ng titulo ni Ancajas sa Enero subalit nais ipilit ng Top Rank na magkaroon ng laban ang Pinoy champion sa Disyembre.

“Inaayos nila na magkaroon ng laban sa December pero originally January talaga ‘yung gusto ng Top Rank,” ani Jimenez.

Unti-unti nang nagba­balik sa normal ang boxing events sa Amerika kaya’t tiwala ang kampo ni Ancajas na malaki ang posibilidad na maikasa ito ng mas maaga.

Tumulak sa Amerika sina Ancajas at Jimenez sa pag-asang maikakasa agad ang laban nito.

Subalit magiging matiyaga si Ancajas sa paghihintay dahil desidido itong makakuha ng laban matapos maudlot ang kanyang title defense noong Abril.

Kasalukuyang nasa LA si Ancajas habang naghihintay ng laban.

Puspusan pa rin ang ensayo nito kasama ang ilang Pinoy boxers kabilang na sina Tokyo Olympics qualifier Eumir Felix Marcial at dating kalaban ni Ancajas na si Jonas Sultan.

Ilan sa mga posibleng makalaban ni Ancajas sina Mexican Jonathan Javier at WBA super flyweight king Joshua Franco.

Nauna nang nakatakda ang paghaharap nina Anajas at Javier noong Abril subalit naudlot ito dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

IBF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with