Newsome bumida!
Kinuyog nina rookie Aaron Black at Cliff Hodge ng Meralco si NLEX star guard Kiefer Ravena sa aksyong ito.
PBA Image
Newsome bumida!
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

Bolts kinuryente ang Road Warriors

MANILA, Philippines — Nang makalapit ang mga Road Warriors sa 84-89 mula sa three-point play ni Kiefer Ravena ay sumandig ang mga Bolts kay Chris Newsome sa dulo ng laro.

Humataw si Newsome ng pito sa kanyang 18 points sa huling tatlong minuto ng final canto para tulungan ang Meralco na talunin ang NLEX, 101-92, sa 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University  Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

“That’s what we really want. We want to play as a team, we want to share the ball,” sabi ni coach Norman Black, nakahugot ng 17 markers kay Allein Maliksi at may tig-11 at 10 points sina Raymond Almazan, Baser Amer at Cliff Hodge, ayon sa pagkakasunod.

Ito ang ikalawang sunod na ratsada ng Bolts para sa kanilang 3-2 marka at makatabla ang Alaska Aces sa ikaapat na posisyon  habang nalasap ng Road Warriors ang ikaapat na kabiguan sa limang laban.

Matapos makalapit ang NLEX sa 84-89 mula sa pagbibida ni Ravena, tumipa ng 14 sa kanyang 30 points sa final canto, ay umarangkada naman si Newsome para ibigay sa Meralco ang 96-90 bentahe sa huling 2:03 minuto ng bakbakan.

Naiposte ng Bolts ang 32-20 bentahe sa second period hanggang maagaw ng Road Warriors ang 44-43 abante patungo sa halftime.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with