Naturalization ni Kouame minamadali na
Naturalization ni Kouame minamadali na
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Gumugulong na ang naturalization ni dating UAAP MVP Angelo Kouame ng Ateneo de Manila University upang maging naturalized player ng Gilas Pilipinas.

Minamadali na ang naturalization papers ni Kouame sa House of Representatives para maipormalisa na ang pagsama rito sa lineup ng Gilas Pilipinas.

“It’s now in Congress for Kouame to be naturalized, and we’re just waiting for it to be finalized,” wika ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) special assistant to the president Ryan Gregorio sa programang Sports Page.

Isa ang naturalized player sa nakikitang solusyon ni SBP program director Tab Baldwin para palakasin ang lineup ng Gilas Pilipinas lalo pa’t hindi available ang mga PBA players.

Kasalukuyang nasa bubble sa Clark, Pampanga ang mga aktibong PBA players para sa pagpapatuloy ng PBA Season 45 Philippine Cup.

Kaya naman magi­ging malaking tulong para sa Gilas Pilipinas kung aabot ang naturalization ni Kouame dahil sa susunod na buwan na ang FIBA Asia Cup Qualifiers.

Kailangan ng Gilas Pilipinas ng solidong tropa para sa krusyal na laro nito kontra sa powerhouse South Korea at Thailand na mayroong Thai-foreign player sa lineup.

Hindi na bago si Kouame sa sistema ng basketball sa bansa dahil ilang taon na rin itong nag­lalaro sa UAAP.

Kabisado na rin ni Kouame ang programa ni Baldwin na siyang consultant ng Blue Eagles.

Maliban kay Kouame, isinusulong din ang pa­nga­lan nina dating PBA imports Justin Brownlee (Barangay Ginebra) at Chris McCullough (San Miguel Beer) para maging naturalized players.

SBP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with