Donaire puntiryang balikan si Gonzalez
Nonito Donaire Jr
Donaire puntiryang balikan si Gonzalez
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

Hindi si Casimero kundi...

MANILA, Philippines — Target ni four-division world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire na makasagupa si reigning World Boxing Association (WBA) super flyweight champion Roman Gonzalez ng Nicaragua sa kanyang susunod na laban.

Hindi nabanggit ni Donaire ang kababayan nitong si World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero.

Nauna nang nagpahayag si Casimero na handa itong makasagupa si Donaire sakaling wala na talagang maikasang laban sa kanya.

Subalit iba naman ang plano ni Donaire.

Nakatakda muna itong sumalang kontra kay Nordine Oubaali ng France sa Disyembre 12 sa Mohegan Sun Casino Uncasville sa Connecticut.

Puntirya ni Donaire na maagaw ang World Boxing Council (WBC) bantamweight title na kasalukuyang hawak ng French boxer.

Matapos nito, hangad ni Donaire na bumalik sa super flyweight (115 pounds) kung saan nais nitong makakuha ng titulo sa naturang dibisyon bago umakyat sa 130-pound weight class.

“I still want to go back down to 115 and get a title there and then go up to 130. I can do that,” wika ni Donaire sa panayam ng BoxingScene.com.

Walang nakikitang problema si Donaire sa super flyweight division dahil mas sanay ito sa naturang timbang.

Ito rin ang parehong weight category kung saan kinatatakutan ang Pinoy champion.

 Hangad ni Donaire na makuha ang five-division title bago sumulong sa 130-pound catch weight.

JOHN RIEL CASIMERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with