Eala papalo na naman sa Spain
Alex Eala
Twitter/Rafael Nadal Academy
Eala papalo na naman sa Spain
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakalinya ang ilang malalaking torneong lalahukan ni Grand Slam doubles champion Alex Eala upang mapatatag ang kanyang puwesto sa world ranking.

Nakatakdang sumabak si Eala sa prestihiyosong 2020 Trofeo Juan Carlos Ferrero ITF Juniors Tennis Tournament sa Oktubre 27 hanggang Nobyembre 1 sa JCF-Equelite Sport Academy sa Villena, Spain.

Ang naturang torneo ay isang Grade 1 ITF tournament na maihahanay sa isang Grand Slam event kung saan malaki ang makukuhang puntos ni Eala.

Kasalukuyan nasa No. 2 spot ang 15-anyos Pinay netter sa world ranking matapos ang impresibong ipinamalas sa nakalipas na mga torneo.

Nakapasok si Eala sa semifinals ng 2020 French Open girls’ singles kamakailan habang nagkampeon naman ito sa girls’ doubles sa 2020 Australian Open noong Enero.

Sa 2020 Trofeo Juan Carlos Ferrero ITF Juniors Tennis Tournament, sasalang si Eala sa torneo bilang second seed base sa acceptance list.

Makakasagupa nito sina Victoria Jimenez Kasintseva ng Andorra, Matilda Mutavdzic ng Great Britain, Diana Shnaider ng Russia, Ane Mintegi Del Olmo ng Spain at Natalia Szabanin ng Hungary na mga seeded players din sa event.

Inaasahang malalaman naman ang kapares ni Eala sa doubles sa gaganaping draw sa Oktubre 26.

Kasalukuyang nagsasanay si Eala sa Rafael Nadal Tennis Academy sa Mallorca, Spain para paghandaan ang torneo. 

ALEX EALA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with