Orcollo, Pagulayan tutumbok sa Texas Open
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling tutumbok sina dating world champions Dennis Orcollo at Alex Pagulayan sa 47th Annual Texas Open na lalarga sa Oktubre 28 hanggang Nobyembre 1 sa Skinny Bob’s Billiards sa Round Rock, Texas.

Tumataginting na $18,000 cash prize ang nakataya sa torneong inaasahang lalahukan ng matitikas na cue masters sa Amerika gaya nina Shane Van Boening, Justin Hall, Justin Bergman, Skyler Woodward at Josh Roberts.

Masuwerte si Orcollo sa Texas.

Nagkampeon na ito sa 6th Texas Open 10-Ball Championships noong Pebrero kung saan nagkamit ito ng $4,000 cash prize.

Sa naturang torneo rin nakumpleto nina Orcollo, Warren Kiamco at Francisco “Django” Bustamante ang 1-2-3 finish.

Target nina Orcollo at Pagulayan na masundan ang panalo sa kanilang mga huling torneong nilahukan sa American billiards circuit.

DENNIS ORCOLLO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with