COVID-19 hindi 100% na maiiwasan sa PBA bubble — Guiao

NLEX Coach Yeng Guaio
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Kahit anong gawing higpit ay hindi maiiwasang magkaroon ng kaso ng ‘suspected case’ sa loob ng PBA bubble sa Clark Freeport Zone sa Angeles City, Pampanga.

Kamakalawa ay iniulat ni PBA Commissioner Willie Marcial ang pagiging ‘false positive’ ng isang referee nang magnegatibo sa coronavirus disease (COVID-19) matapos sumailalim sa antigen testing.

“There is no 100% gua­rantee that you can keep the virus out,” ani NLEX head coach Yeng Guiao. “Meron talaga eh, kasi mahirap, we really don’t know anything - we really don’t know all about the virus.”

“Ako nagtataka kung paano nakapasok sa higpit ng mga protocol natin,” dagdag pa nito sa sinasabing mahigpit na pagpapatupad ng PBA, Bases Conversion Development Authority (BCDA) at Clark Development Corp. (CDC) sa health at safety protocols.

Inalis na ang nasabing referee sa loob ng PBA  bubble  at kasalukuyang nasa 14-day quarantine sa Athletes’ Village sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Muling isasailalim ang nasabing referee at siyam pa nitong nakasalamuha sa isa pang RT-PCR test para kumpirmahin ang negative antigen result.

Show comments