Nakano brothers kukuha ng puntos para sa tsansa sa Tokyo Olympics

Kiyomi Watanabe
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Kagaya ni Kiyomi Watanabe, hangad din ng kambal na Shugen at Keisei Nakano na makasikwat ng silya para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Sasabak ang kambal sa isang torneo sa Hungary para makapagbulsa ng  puntos na maaari nilang magamit sa pagpitas ng Olympic berth.

“They are now in Hungary to earn points to be able to qualify because more or less si Kiyomi Watanabe is already assured of participation in Tokyo Olympics being a continental representative,” ani Commissioner Ramon Fernandez ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Nakano brothers.

Ibinulsa ni Shugen ang gold medal sa men’s -66kg class noong 2019 SEA Games habang bronze medal ang nakamit ni Keisei sa men’s -73kg division.

Wala pang pormal na pahayag ang International Olympic Committee (IOC) ukol sa pagiging Olympic qualifier ng 21-anyos na si Watanabe, ang three-time gold medalist sa women’s 63-kilogram division ng Southeast Asian Games.

Sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno ang tanging may tiket para sa 2021 Tokyo Olympics.

Plano naman ng PSC na ilagay ang mga Olympic hopefuls sa isang training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna. (Russell Cadayona)

Nasungkit ng Zamboanga City ang kampeonato sa Leg 1 ng 2020 3x3 President’s Cup na ginaganap sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Naitakas ng Zamboanga ang 21-17 panalo laban sa Butuan sa finals para matamis na angkinin ang Leg 1 title.

Humataw si national 3x3 team mainstay Joshua Munzon ng apat sa huling pitong puntos ng Zamboanga habang nakatuwang nito sina Alvin Pasaol, Troy Rike at Santi Santillan sa pagkopo ng panalo.

Napasakamay ng  Zamboanga ang tumata­ginting na P100,000 premyo.

Hindi naman uuwing luhaan ang Butuan dahil magkakamit din ito ng parehong P100,000.

Itinanghal namang Slam Dunk king si Jesus Manay para masungkit ang P20,000 premyo habang napasakamay ni De Chavez ang Two-Point Shootout title para angkinin ang P10,000 cash prize.

Lalarga ang Leg 2 ng President’s Cup ngayon  sa parehong venue.

Show comments