World title fight ni Magramo tuloy na
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Tuloy na ang world title fight nina Pinoy sensation Giemel Magramo at Japanese fighter Julio Nakatani para sa bakanteng World Boxing Organization flyweight crown.

Matapos ang ilang beses na pagkakaantala, masisilayan na ang bakbakan nina Magramo at Nakatani sa Nobyembre 6 sa Ko­rakuen Hall  sa Tokyo, Japan.

Limang beses na naudlot ang laban nina Magra­mo at Nakatani dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Nakatakda sana ito no­ong Agosto 21 subalit kinansela ito matapos tumaas ang bilang ng tinamaan ng coronavirus sa Japan. Una na itong naka-schedule noong Abril 14 na inilipat noong Hunyo 6, Hulyo 22 at  Agosto 1.

Sa kabila ng kanselasyon ng laban, hindi tumigil sa ensayo si Magramo.

Kaya naman nananatili ang mataas na kundisyon ng kanyang pangangatawan para maging handa sa oras ng bakbakan.

“Tuloy lang sa training. Ang importante may disiplina sa sarili at sumunod sa mga coaches para maging successful,” ani Magramo sa kanyang naunang pa­nayam.

Kasalukuyang ranked No. 1 ang 25-anyos na Pinoy pug sa ranking.

Armado ito ng 24-1 baraha kabilang ang impresibong 20 knockouts.

Galing ito sa pitong sunud-sunod na KO wins.

Hindi rin basta-basta si Nakatani na may imakuladang 20-2 kartada kasama ang 15 knockouts.

Sa kanyang mga nakalipas na laban, tatlong knockout wins ang sunud-sunod na naitala ni Nakatani kasama ang KO win nito kay dating world champion Milan Melindo.

PINOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with