DOH 'walang bagong mungkahi' sa PBA kahit referee COVID-19 positive
Makikitang pababa na ang bolang ito matapos ma-shoot sa basket sa gitna ng laro
File
DOH 'walang bagong mungkahi' sa PBA kahit referee COVID-19 positive
(Philstar.com) - October 22, 2020 - 6:43pm

MANILA, Philippines — Kahit posibleng napasok na ng coronavirus disease (COVID-19) ang pinaglulunsaran ng PBA games, kumpiyansa ang Department of Health (DOH) na ipagpatuloy lang ang dati nang isinasagawang protocols sa Clark, Pampanga para hindi na lalong kumalat pa ang deadly virus.

Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Huwebes, matapos tanungin kung paano mapipigilan ang posibilidad ng "COVID-19 outbreak" sa loob ng PBA bubble.

Nagpositibo kasi sa kanyang ikaapat na COVID-19 test gamit ang RT-PCR swab ang isang basketball referee, kahit na nagnegatibo sa naunang tatlong tests. Nagnegatibo uli siya sa ikalimang antigen test.

Basahin: Ref tests positive for COVID-19 in PBA bubble

May kaugnayan: DOH warns PBA vs use of antigen tests, interpreting results as ‘false positive’

"It's still the same [our recommendation]. Alam po natin kung ano ang dapat nating isinasagawa," sabi ni Vergeire sa panayam ng mga reporter, Huwebes.

"Even though you're inside the bubble, nakita po natin na nagkaroon ng isang impeksyon. We still need to find out kung saan nanggaling at paano pumasok when in fact they are inside the bubble."

Sa kasalukuyan, nananatiling walang sintomas ng COVID-19 ang nasabing referee. Pero dahil diyan, ipinayo nila na dapat ulitin ang RT-PCR swab test sa pasyente , lalo na't mas sensitibo raw ito. 

Mas epektibo daw kasi ang antigen testing oras na magpakita ng sintomas ang pasyente. 

Tuloy pa rin ang laro

Una nang kinumpirma ng pamunuan ng PBA na magpapatuloy ang basketball games sa Clark sa kabila ng banta ng health hazard. Aniya, kontrolado naman nila ang lahat at maya't mayang  ine-evaluate ng PBA medical team, Clark Development Corporporation at DOH at sitwasyon.

"All games are allowed to continue with even stricter measures which are already in effect inside the bubble and during games," ayon sa statement ng PBA.

Kahapon, sinuspindi muna ng ang lahat ng ektibidad gaya ng swimming, gym at jogging para na rin makapagbigay-daan sa paglilinis.

"Routine disinfection, wearing of masks, face shields and social/physical distancing are strictly being implemented, as well as an effective contract tracing procedure," patuloy ng NBA.

Sa kabila ng infection, naninindigan ang pamunuan na walang nalabas sa mga ipinatutupad nilang protocols magpahanggang sa ngayon.

Matatandaang nagpatupad ng "PBA bubble," isang self-sustaining sportdom na sarado sa outside world, para maipagpatuloy at hindi maantala ang basketball games kahit na libu-libo na ang napatay ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling ulat ng DOH, umabot na sa 369,888 ang nahahawaan nito sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, pumanaw na ang 6,783 katao.

"Lahat po 'yan pag-aaralan natin. But it's still basically the same [our protocols]," patuloy pa ni Vergeire kanina.

"Kung ano po ang irerekomenda natin, minimum public health standards, regular monitoring, and of course 'yun pong ating immediate isolation of those people with symptoms, or those people identified to be positive with the RT-PCR test." — James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

BASKETBALL DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with