Casimero handang labanan si Donaire
John Riel Casimero
STAR/ File
Casimero handang labanan si Donaire
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

Trabaho lang!

MANILA, Philippines  — Handa si reigning World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero na makaharap ang kababayan nitong si Nonito “The Filipino Flash” Donaire sakaling maging matagumpay ang huli sa kanyang laban sa Dis­yembre.

Nakatakdang harapin ni Donaire si World Bo­xing Council (WBC) champion Nordine Oubaali ng France sa Disyembre 12 sa Mohegan Sun Casino sa Uncasville, Connecticut.

At kung magiging ma­tagumpay si Donaire, handa si Casimero na harapin ang kababayan nito para sa isang unification bout sa susunod na taon.

Para kay Casimero, walang personalan, trabaho lang.

Hindi naman na bago sa mundo ng boksing na magkaharap ang magkababayan.

Normal na ito sa Me­xico, Amerika, Russia at ibang pang bansa dahil pro­fessional boxing ang usapan.

Handa naman si Casimero na humanap ng ibang kalaban.

Numero uno sa isipan nito si World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) bantamweight king Naoya Inoue.

Subalit kung wala na talagang maikasang kalaban at mabigyan ng pagkakataon na makasagupa ang dating world champion na si Donaire, handa itong tanggapin ni Casimero.

“Kahit sino naman lalabanan ko. Pwede naman si Donaire, wala naman problema, trabaho lang,” ani Casimero.

WBO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with