UST humugot ng 3 players
Basag ang lineup ng UST matapos pumutok ang Sorsogon bubble na nagresulta sa paglisan ng walong key players ng España-based squad.
Philstar.com/Erwin Cagadas
UST humugot ng 3 players
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Unti-unting binubuo ng University of Santo Tomas (UST) ang nawasak na basketball program nito sa pamamagitan ng pagre-recruit ng bagong players para sa UAAP wars.

Basag ang lineup ng UST matapos pumutok ang Sorsogon bubble na nagresulta sa paglisan ng walong key players ng España-based squad.

Kaya naman sinisimulan na ng coaching staff ang rebuilding process kung saan tatlong bagong players ang papasok sa kampo ng UST.

Nangunguna sa lista­han si dating Arellano University cager Rom Junsay na napaulat na nakakasama na ng Growling Tigers sa regular online workouts.

Impresibo ang rekord ni Junsay sa NCAA Season 94 juniors division nang magtala ito ng averages na 18.6 points, 4.3 rebounds at 3.1 assists para sa Arellano.

Papasok din sa Grow­ling Tigers sina Johnshe­rick Estrada ng St. Clare College-Caloocan at Nikko Panganiban ng Our Lady of Fatima University.

Maari nang makapag­laro sa UAAP Season 83 sina Junsay at Estrada habang sasailalim sa isang taong residency si Panga­niban na maaari lamang masilayan sa Season 84.

Hahawakan ni Jinino Manansala ang UST bilang interim head coach habang naghihintay pa ang UST sa apela ni da­ting mentor Aldin Ayo sa indefinite ban na ipinataw sa kanya ng UAAP.

UST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with