Balik-ensayo ng varsity teams abot-kamay na!
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Ilang hakbang na lamang ang kakailanganin para tuluyan nang masimulan ang pagsasanay ng mga varsity teams mula sa iba’t ibang collegiate leagues sa bansa.

Kasado na ang health protocols na binuo na magsisilbing guideline ng mga koponan sa pagbabalik-ensayo nito.

Ayon kay Commission of Higher Education (CHED) Chairman Popoy De Vera, inaprubahan na ng commission en banc ang guidelines matapos ang pagpupulong noong Martes.

Ang guidelines ay nabuo sa pagtutulungan ng iba’t ibang sanay gaya ng Philippine Sports Commission, Games and Amusements Board, Department of Health, University Athletic Association of the Philippines, National Collegiate Athletic Association at iba pang collegiate leagues.

Ngunit hindi pa tapos ang proseso.

Dalawang grupo pa ang pagdaraanan nito.

Isusumite pa ito sa Technical Working Group (TWG) bago tuluyang ipadala sa Inter-Agency Task Force (IATF) na siyang magbibigay ng pinal na desisyon.

“It (guidelines) was approved by the commission en banc with amendments. It will be presented to the TWG then to Inter-Agency Task Force,” ani De Vera.

Ilang maliliit na bagay na lamang ang kailangang plantsahin para masiguro na maayos ang lahat ng nakasaad sa guidelines para sa balik-ensayo.

CHED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with