^

PSN Palaro

NLEX may panalo na

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang all-around game ang ginawa ni guard Kie­fer Ravena para tulungan ang NLEX na mailista ang unang panalo sa PBA ‘bubble’.

Humakot si Ravena ng 25 apoints, 5 rebounds, 4 assists at 2 steals para akayin ang Road Warriors sa 102-88 paggupo sa NorthPort Batang Pier sa 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Tinapos ng NLEX ang kanilang tatlong sunod na kamalasan para sa 1-3 marka at inihulog ang NorthPort sa 0-4 baraha.

“We got a big break with Sean Anthony just not being able to go back in the game,” sabi ni Road Warriors’ coach Yeng Guiao sa Batang Pier forward na nagkaroon ng posibleng right hamstring injury sa first quarter.

Nagdagdag si big man JR Quiñahan ng 17 mar­kers habang may 16 at 10 points sina guards Kevin Alas at Jericho Cruz, ayon sa pagkakasunod, para sa NLEX na kinuha ang 95-78 sa huling 4:30 minuto ng final canto.

Samantala, pipilitin ng TNT Katropa na maitarak ang 5-0 kartada sa pakikipagtuos sa Blackwater (2-2) ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang pagkikita ng Rain or Shine (3-0) at Alaska (2-2) sa alas-6:45 ng gabi.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with