^

PSN Palaro

DOH, GAB may ayuda sa pro athletes

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Tuloy ang ayuda ng Department of Health (DOH) at Games and Amusements Board (GAB) para sa mga professional athletes na nasa ilalim nito.

Kabilang sa mga maki­kinabang ng Department Memorandum No. 2020-0445 ni DOH Secretary Francisco Duque III ang mga boxers and mixed martial arts fighters.

Bibigyan ang mga pro-athletes ng libreng serbis­yong medikal.

Nilinaw naman ng GAB na tanging ang mga boxers at MMA fighters na may lisensiya ng ahensiya ang maaaring bigyan ng tulong hanggang sa Disyembre 31, 2020.

Naiselyo ang ugnayan ng DOH at GAB sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA).

Masaya si GAB chairman Baham Mitra dahil malaking tulong ito sa mga boxers at MMA fighters lalo pa ngayong panahon ng pandemya.

“Malaking bagay ito para sa ating mga atleta dahil libre ang kanilang me­dical. Masisiguro ng mga atleta na ‘yung makukuha nilang premyo ay mailalaan lamang nila para sa kabuhayan ng pamilya,” ani Mitra.

Kabilang sa mga lib­reng serbisyo ng DOH ang diagnostic, medical at neurologic examination gayundin ang ilang medical procedure.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with