Walang nagpositibo sa COVID-19
Sa second round ng swab testing sa pba bubble
MANILA, Philippines — Tuloy ang ligaya matapos mag-negatibo ang second round ng swab testing sa players, coaches, officials at staff na nasa loob ng PBA bubble sa Clark, Pampanga.
Mahigit 270 katao ang sumailalim sa swab testing kung saan walang sinuman ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).
Isinasagawa ang swab testing kada dalawang linggo bilang bahagi ng pagtugon sa health protocols na inilatag ng Joint Administrative Order group sa Inter-Agency Task Force (IATF).
Ang Clark Development Corporation ang umaayos sa swab testing.
Unang nagsagawa ng swab testing sa Clark nang dumating ang delegasyon ng PBA noong Setyembre 28 at 29 sa Quest Hotel.
Swabe rin ang takbo ng liga matapos ang mahigit isang linggong tuluy-tuloy na mga laro mula Lunes hanggang Linggo.
- Latest