_ngayon
^

PSN Palaro

Princess Eowyn umulit sa Sampaguita Stakes Race

Pilipino Star Ngayon
Princess Eowyn umulit sa Sampaguita Stakes Race
Pumasok sa finish line si jockey JB Hernandez sakay ni Princess Eowyn sa Metro Turf race track.

MANILA, Philippines — Muling nagreyna ang Princess Eowyn sa Sampaguita Stakes Race matapos ungusan ang mga karibal sa MetroTurf Racing Complex sa Malvar, Batangas noong Linggo.

Sinakyan ni star jockey JB Hernandez, nakipaglaban ang Princess Eowyn sa Obra Maestra sa isang two-horse battle bago kumaripas sa huling 300 meters patungo sa finish line ng 1,800-meter race.

Nagposte ang Sampaguita Stakes Race champ ng bilis na 1:55.6 na may mga quartertimes na 14, 22, 23, 25 at 30 segundo.

Ibinulsa ni horse owner Edward Vincent Diokno ang premyong P1.2 milyon dahil sa panalo ng Princess Eowyn, isang 5-year-old filly na anak ng Keep Laughing at Dona Carmela.

Inangkin naman ng Shanghai Grey (owner Melanie Habla, jockey Kevin Abobo) ang second-place purse na P450,000 kasunod ang Obra Maes­tra (Leonardo Javier Jr., JB Guce) at Two Timer (Rancho Santa Rosa, JP A Guce) na nakuntento sa P250,000 at P100,000, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, itinakbo ng Viva Morena (jockey Dan Camañero) ang premyong P300,000 sa 4YO and Above Open Stakes Race.

Inunahan ng Viva Mo­rena ang second-placer Gom­per Girl (JD Flores) na sumikwat sa P112,500 at third placer Stella Malone (JB Hernandez) na pinitas ang P62,500.

RACE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with