^

PSN Palaro

Slaughter tiyak nang magbabalik sa Ginebra sa 2021

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Slaughter tiyak nang magbabalik sa Ginebra sa 2021
Greg Slaughter
PBA Images

MANILA, Philippines  — Tiyak na ang pagbabalik ni Greg Slaughter sa bakuran ng mga Gin Kings.

Kinumpirma ni head coach Tim Cone ang muling paglalaro ng seven-footer para sa Barangay Ginebra sa PBA Philippine Cup sa susunod na taon.

Noong Oktubre  6 ay nagbalik sa bansa ang 32-anyos na si Slaughter matapos ang walong buwan na pagsasanay sa United States.

Ayon sa 62-anyos na si Cone, hindi kaagad na­selyuhan ang negosasyon sa pagitan ni Slaughter at ng Ginebra management kaya hindi nakasama ang higante sa PBA  ‘bubble’ sa Clark Freeport Zone sa Angeles, Pampanga para sa 2020 Philippine Cup.

“I tried hard to get him into this (PBA) bubble, but he just had too many things going on that he could not make it in time to get here,” sabi ni Cone.

Dahil sa pagkawala ni Slaughter sa line-up ay sina 6’8 Japeth Aguilar, 6’7 Joe Devance at 6’6 Prince Caperal ang sinasandigan ni Cone sa shaded lane.

Matatandaang tinanggihan ni Slaughter ang alok na contract extension ng Gin Kings noong Enero kasunod ang kanyang pagbiyahe sa US sa hangaring makapag­laro sa mga liga doon.

Habang nasa US ay pumirma ang four-time PBA champion sa BeoBasket, isang basketball agency na humahawak sa mga European cagers kagaya ni Nikola Jokic ng Denver Nuggets.

vuukle comment

GREG SLAUGHTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with